Dula ng Parabula
Noong Agosto 28, 2015, nagtagisan ng galing ang apat na grupong nagmula sa ikasampung baitang upang makamit ang parangal na kampeon sa patimpalak na Dula ng Parabula. Nilalayon ng patimpalak na ito na bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipakita ang kanilang natatagong galing sa pagbibigay ng kanilang interpretasyon sa mga parabulang nagmula sa Kanluranin sa pamamagitan ng pagsasadula nito. Noong ika-26 ng Agosto ay naganap ang eliminasyon ng lahat ng pangkat ng ikasampung baitang. Sa labimpitong pangkat na naglaban-laban at nagtanghal ng kanilang mga dulang siya ring proyekto nila sa asignaturang Filipino, ay namili ang kanilang mga guro sa Filipino ng apat na maglalaban laban sa huling yugto ng patimpalak. Ang mga nakapasok na pangkat ay ang Sta. Digna, Sta. Diana, San David, at San Danilo. Sa huli ay ang nakapagkamit ng Ikatlong Gantimpala ay ang San David, Ikalawang Gantimpala ang Sta. Diana, at Unang Gantimpala ang San Danilo.
Featured Image ©Ralph Estrella
LEAVE A REPLY